Talaan ng 30 paaralan na magpapatuloy sa pilot implementation ng face-to-face classes, inilabas na ng DepEd
Inilabas na ng Department of Education (DepEd), ang listahan ng mga paaralang magpapatuloy sa pilot implementation ng face-to-face (f2f) classes.
Mula sa 59 na paaralang pumasa sa granular risk assessment, at kinilalang minimal o low risk ng Department of Health (DOH), 30 ang magpapatuloy dahil sa mas pinaigting na pagpapahalaga sa kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang mga kawani ng paaralan.
Upang maging matagumpay ang pagsasagawa ng pilot implementation ng f2f classes, lubos na kinikilala ng kagawaran ang kahalagahan ng responsibilidad ng bawat isa at komunikasyon sa pagitan ng DepEd at local government units (LGUs).
Ayon sa DepEd, mahalaga rin na tandaan na kinakailangan ng written consent ng mga magulang upang makasama ang kanilang anak sa isasagawang pilot implementation ng f2f classes, kung napili man ang kanilang paaralan.