COVID cases sa buong mundo, umakyat na sa 300-milyon
Umabot na sa higit 300 milyon ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa buong mundo, na sa nakalipas na linggo ay lalo pang pinarami ng Omicron variant.
Sa nakalipas lamang na pitong araw ay 34 ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng weekly cases mula nang mag-umpisa ang pandemya.
Kabilang dito ang 18 bansa sa Europe at pito sa Africa.
Gayunman, ang Omicron ay “less severe” kaysa ibang variant, bagama’t mas nakahahawa.
Katunayan, bumaba pa ng tatlong porsiyento ang global average ng mga nasawi dahil sa Covid.
Ang pinangangambahan ng mga eksperto, ay baka hindi na naman kayanin ng health systems ng mga bansa ang trend na 2 milyong bagong kaso kada araw sa buong mundo.
Sinabi naman ni World Health Organization (WHO) chief Tedros Ghebreyesus, na hindi tamang sabihin na “mild” ang Omicron dahil ito aniya ang sanhi ng pagkaka-ospital at pagkasawi ng marami.
Aniya . . . “The tsunami of cases is so huge and quick that it is overwhelming the health systems around the world.”