Ilang Senador hati ang pananaw sa paglimita sa galaw ng mga di pa bakunado
Hindi daw dapat gipitin at pahirapan ang mga taong ayaw pang magpabakuna.
Ito ang iginiit ni Senador Koko Pimentel sa harap ng mga patakarang ipinatutupad ng local government units na limitahan ang paglabas ng mga hindi bakunado at no vaccine no ride policy ng DOTr.
Ayon sa Senador , hindi dapat pilitin ang mga ayaw magpabakuna na dahil sa kanilang medical reason o religious belief o kaya’y wala lang talagang bilib sa mga bagong COVID-19 vaccines na under experimental use authoritization.
Paalala ng Senador , wala pang batas na nagsasabing mandatory ang pagpapabakuna at kung gagawin ito maari itong ideklarang unconstitutional.
Bukod dito , walang garantiya ang mga pharmaceutical companies na hindi na magkakaroon ng COVID ang may bakuna.
Ang dapat ngayon ay paigtingin aniya ang panawagan ng gobyerno para protektahan ang sarili at hindi magkaroon ng malalang karamdaman.
Meanne Corvera