Gobyerno at mga kompanya, pipigilang maulit ang naranasang krisis sa tubig noong 2019
Maaaring makaranas na naman ng panibagong water supply shortage ang Metro Manila ngayong papalapit na ang dry season, subali’t pipigilan ng gobyerno at utility companies na muling maranasan ng bansa ang krisis sa tubig na gaya ng dinanas nito tatlong taon na ang nakalilipas.
Inaasahan ng National Water Resources Board (NWRB) ang isa na namang water shortage sa Metro Manila sa Abril o Mayo dahil ang lebel sa Angat Dam, na nagsu-suplay ng 98% ng tubig sa kabisera ay patuloy na bumababa at ang pag-ulan sa mga huling buwan ng 2021 ay hindi nakasapat upang punan ang watershed.
Hanggang kahapon ng ala-6:00 ng umaga, ang tubig sa Angat ay nasa 195.75 meters, mas mababa kaysa 195.91 meters na naitala noong Lunes at mas mababa na sa ideal level na higit 200 meters.
Kapag nagkaroon ng krisis sa tubig sa simula ng tag-araw ngayong taon, ay magiging mahirap na panahon ito para sa Pilipinas, na kasalukuyang abala sa pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19.
Sinabi ni Sevillo David, Jr., executive director ng NWRB, na handa ang water providers at regulators na pigilang umabot sa 180 metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam, na siyang minimum operating level nito. Ngunit kung mas malala pa rito, sinabi ni David na ang kakulangan ay hindi naman magiging kasing lubha na gaya noong 2019 – kung saan ang pagkaantala sa infrastructure development at mataas na demand sa panahon ng summer season ay lumikha ng pinakamalalang krisis sa tubig sa kabisera sa halos isang dekada.
Aniya . . . “Compared to 2019, we have the deep wells and the treatment plants that could provide additional water if there will be some adjustments in the allocation or releases from the dam. Likewise, cloud seeding operations is also available based on advisory from PAGASA. We are appealing to the public to use water wisely and recycle and conserve if possible.”
Kapwa naman sinabi ng Manila Water Company Inc., at Maynilad Water Services Inc., na gumagawa na sila ng mga hakbang para mabawasan ang nagbabantang water crisis sa kanilang mga konsyumers. Naniniwala rin ang dalawang kompanya, na ang nagbabantang shortage ay hindi magiging kasing grabe ng nangyari, ilang taon na ang nakararaan.
Ani Jeric Sevilla, corporate communications director ng Manila Water . . . “No repeat of 2019. We are still simulating our network distribution if there is a need (for water interruptions). But right now, no rotational water interruptions.”
Ayon naman kay Jennifer Rufo, corporate communications head ng Maynilad . . . “The company has supply augmentation measures in place to prepare for the summer months given the low water level in Angat Dam. These include the construction of four modular treatment plants that will get raw water from rivers, reactivation of deep wells in various points of our concession area, management of pressure across the pipe network, and sustained leak repair and pipe replacement activities.”
Ang posibilidad ng isa pang kakulangan sa suplay ng tubig ay lalong nagpataas sa pangangailangan ng madaliang paghahanap ng mga bagong mapagkukunan ng tubig.
Itinutulak ng gobyerno ang pagtatayo ng Kaliwa Dam na pinondohan ng China sa Quezon Province upang maragdagan ang kasalukuyang produksyon ng tubig.
Gayunman, ang pinagtatalunang proyekto ay ilang ulit nang naantala dahil sa mga alalahanin na ang dam ay makapinsala sa tribal lands at pati na rin sa kapaligiran.
Ilang beses nang naiurong ang pagkumpleto sa naturang dam, at ngayon naman ay inaasahang matutuloy na ito sa 2023 sa panahong tapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon, nanawagan kapwa ang water providers at NWRB sa publiko na tumulong para maiwasang magkaroon ng panibagong water crisis.
Wika ni David . . . “We are appealing to the public to help in avoiding another supply crunch. We are appealing to the public to use water wisely and recycle and conserve if possible.”