MMDA magtatalaga ng 90 tauhan sa paligid ng PICC sa Pasay city
Simula sa linggo magdedeploy na ang Metro Manila Development Authority ng siyamnapung personnel sa paligid ng Philippine International Convention Center sa Pasay city.
Ito’y para matiyak na magiging maayos ang daloy ng trapiko sa PICC complex kung saan isasagawa ng National Board of Canvassers ang pagbilang ng boto sa idaraos na eleksyon.
Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na makikipag- ugnayan ang mga tauhan nila sa Comelec, Southern Police District, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, at Local Government Unit para magkaroon ng maayos na daloy ng trapiko.
Isasara naman para sa mga motorista ang Magdalena Jalandoni Street mula Buendia hanggang Vicente Sotto Street para bigyang daan ang canvassing.
May ilalagay na mga tauhan sa Northbound lane ng Macapagal Boulevard at Diokno boulevard para i guide ang mga motorista.
Meanne Corvera