Pagbawi ni dating BUCOR OIC Rafael Ragos ng testimonya laban kay Senadora Leila De lima, P 15-M ang kapalit – PRRD
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na 15 million pesos ang kapalit ng pagbaligtad ni dating Bureau of Corrections Officer in Charge Rafael Ragos kaya binawi nito ang testimonya laban kay Senadora Leila de Lima.
Sinabi ng Pangulo na batay sa kanyang natanggap na inpormasyon sinuhulan ni de Lima si Ragos para bawiin ang kanyan testimonya upang humina ang kasong may kaugnayan sa ilegal na droga na kinakaharap ng mambabatas.
Ayon sa Pangulo hindi siya naniniwala na tinakot ni dating Justice Secretary Vitalliano Aguirre si Ragos para idiin si de Lima sa kasong may kinalaman sa operasyon ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison o NBP.
Inihayag ng Pangulo sa loob ng limang taon ay hindi binabawi ni Ragos ang kanyang testimonya laban kay de Lima at ngayon lamang niya ito ginawa dahil may kapalit na pera.
Si de Lima ay limang taon ng nakakulong sa Philippine National Police Custodial Center sa kampo Crame.
Vic Somintac