Pag-iral ng state of public health emergency mananatili hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte
Mamamalaging nasa ilalim ng State of Public Health Emergency ang buong bansa hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30 ng taong kasalukuyan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Martin Andanar na hindi pa inirerekomenda ng Department of Health o DOH ang lifting ng State of Public Health Emergency na idineklara ni Pangulong Duterte noong March 2020 dahil sa pandemya ng COVID-19.
Ayon kay Andanar ,nananatiling banta sa kalusugan ng publiko corona virus.
Inihayag ni Andanar bagamat nananatiling nasa low risk na ang maraming lugar manaka-naka ay may naitatalang bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID 19 dahil sa mga sub-variant na nakapasok na sa bansa.
Niliwanag ni Andanar bahala na ang papasok na administrasyon ni President Elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. kung aalisin ang State of Public Health Emergency na idineklara ni Pangulong Duterte.
Vic Somintac