Earthquake drill isinagawa sa Taguig City
Matagumpay na naisagawa sa Barangay Calzada, Tipas sa Taguig City, ang earthquake drill bilang bahagi ng city preparedness program ng lungsod.
Ito ay pinangunahan ng Taguig City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) at ng Health Emergency Management Service (HEMS) ng city health office.
Ang mga kalahok ay tinuruan at nagkaroon ng actual practice ng drop, cover, and hold technique sa ground shaking scenario.
Kapag nagkakaroon ng lindol ay mayroong mga after effects, kaya’t nagsagawa rin ng simulation ng iba pang scenario gaya ng fire suppression, police response, evacuation, search and rescue, traffic management, extraction, at medical response bilang bahagi ng drill.
Ang isinagawang aktibidad ay nagbigay ng kaalaman sa mga mamamayan para sa tamang dapatgawin sa panahon at pagkatapos ng lindol, at kung paano ima-manage ang epekto ng lindol at magiging pinsala nito.
Naniniwala ang lungsod ng Taguig, na ang palagiang pagsasagawa ng earthquake drill exercise ay napakahalaga, at makatutulong din ng malaki sa pag-evaluate ng pagiging epektibo ng ganoong uri ng emergency plan.
Report ni Virnalyn Amado