DFA kinilala ang kontribusyon ni FVR sa foreign policy ng bansa
Nakikiisa ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa sambayanang Pilipino sa pakikidalamhati sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Ayon sa DFA, pamalagian itong magpapasalamat sa kontribusyon sa foreign policy at visionary leadership ni FVR.
Sinabi ng kagawaran na itinuturing si FVR na “foreign policy” president na humubog sa ebolusyon ng DFA.
Ito ay sa pamamagitan ng paglatag ng economic diplomacy at proteksyon ng mga Pilipino abroad bilang haligi ng foreign policy ng Pilipinas.
Tinukoy ng DFA na isa sa mga pangunahing legacy ng Ramos Administration ay ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act na nagsulong sa mas mataas na pamantayan sa proteksyon sa mga OFWs at mga pamilya nito.
Sinabi pa ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ang mga ambag sa foreign policy ni Ramos ay patuloy na pakikinabangan ng mga hinaharap na henerasyon ng mga Pilipino.
Si FVR ay anak ni dating Foreign Secretary Narciso R. Ramos na isa sa mga founding fathers ng ASEAN at kapatid ng career diplomat na si Leticia Ramos- Shahani.
Moira Encina