Senado off-limits muna sa mga bisita dahil sa mataas na kaso ng COVID-19
Hindi muna tatanggap ng mga bisita ang Senado sa susunod na tatlong linggo.
Ito ay dahil sa tumataas na kaso ng nagpopositibo sa COVID-19.
Ngayong Agosto lang, tatlong senador ang nagpositive sa virus na kinabibilangan nina Senador Cynthia Villar, Imee Marcos at Alan Peter Cayetano.
Gayunman papayagan ang pagpasok ng mga resource person na inimbitahan sa mga committee hearing at dapat dalawa lang ang kanilang kasama sa bawat ahensya.
Obligado rin silang magpakita ng negative antigen result sa nakalipas na bente kuwatro oras.
Mandatory naman na pinadadalo sa mga sesyon physically ang mga Senador para mapadali ang kanilang mga trabaho sa pagtalakay sa mga nakahaing panukalang batas.
Papayagan lang ang hybrid sa mga Senador na nagpositive o nakararanas ng anomang sintomas.
Meanne Corvera