Mga Pinoy sa Mexico ligtas sa magnitude 7.6 na lindol– embassy

0
20220920_162755

Walang Pilipino ang nadamay sa magnitude 7.6 na lindol sa Mexico.

Ito ay batay sa ulat ng Philippine Embassy sa Mexico sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza, nasa 1,200 na Pinoy ang nasa Mexico.

Mula sa nasabing bilang, 800 Pilipino ang naninirahan sa Mexico City.

Ang epicenter ng lindol ay may layo ng apat na oras mula sa Mexico City.

Sa inisyal na ulat, may isa ang namatay dahil sa malakas na lindol.

Moira Encina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *