Cholera cases sa bansa tumaas
Tumaas ng 282% ang kaso ng Cholera sa bansa.
Ayon kay Department of Health OIC Maria Rosario Vergeire, mula noong Enero ay nakapagtala ng 3,729 kaso ng Cholera sa bansa na mas mataas kaysa sa 976 na kaso sa kaparehong panahon noong 2021.
Mayorya ng mga kaso naitala sa Eastern Visayas, Davao region, at Caraga.
Mula naman Agosto 28 hanggang Setyembre ay may 258 kaso ng Cholera ang naitala kung saan karamihan ay mula sa Eastern at Western Visayas at Bicol region.
Ayon kay Vergeire, mga bata ang karaniwang biktima na nasa edad 5 hanggang 9 na taong gulang.
Ang dahilan, pag inom ng kontaminadong tubig.
Babala ni Vergeire, kapag hindi naagapan nakamamatay ang Cholera.
Sa datos ng DOH may 33 nasawi dahil sa Cholera ngayong taon.
Madelyn Villar – Moratillo