Senador Bong Go nakikipagdayalogo sa DOH sa umaapaw na pasyente sa NKTI

0
316940312_515755933923101_5356722077650483733_n

Makikipagdayalogo si Senador Bong Go sa Department of Health para ilipat sa ibang pampublikong ospital ang mga pasyente sa National Kidney Transplant Institute.

Sa harap ito ng report na nasa full capacity na ang ospital.

Sinabi ni Go na Chairman ng Senate Committee on Health na bagamat marami sa mga pasyente sa NKTI ay nagda dialysis, may mga pasyente rito ang naka confine dahil sa COVID- 19 at Leptospirosis.

Ayon kay Go, dapat mailipat sa ibang ospital na accredited rin ng DOH ang ibang pasyente na wala namang kinalaman sa kidney problem.

Ito’y para mabigyan ng priority ang mga pasyente lalo na ang nangangailangan ng dialysis.

Meanne Corvera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *