Biyahe ng mga pampasaherong jeep sa bahagi ng Buendia Pasay, nananatiling normal sa day 2 ng transport strike
Hindi ramdam ang ikalawang araw ng tigil- pasada ng mga pampasaherong jeep sa bahagi ng Buendia Pasay.
As of 7 A.M hanggang 8 A.M nitong Martes ay maraming jeepney ang bumibiyahe mula Baclaran papuntang Maynila at vice-versa.
Dahil dito, wala rin na mahabang pila ng mga stranded commuter na naghihintay ng masasakyan.
May mga modern jeep din na patungo sa Roxas Boulevard, PITX, DFA, at MOA na puwedeng sakyan ang mga pasahero.
Tuloy lang din ang biyahe ng mga coaster o orange shuttle na biyahe papuntang CCP Complex, GSIS at Senate.
Bagamat bumiyahe ang ilang jeep ay may nakapaskil sa mga ito na signage na “No To Jeepney Phaseout.”
Si Mang Jun na solo operator ng jeep ay tuloy ang biyahe bagamat nakikiisa sa No To Jeepney phaseout.
Aniya, kawawa ang pamilya niya kung hindi siya mamamasada at maging ang commuters.
Sa abisong Pasay LGU, may libreng sakay hanggang March 12 sa mga ruta na:
MALIBAY – LIBERTAD (vice versa)
CABRERA – LIBERTAD (vice versa)
MALIBAY – SM MOA (vice versa)
KALAYAAN – MOA (vice versa)
Samantala, nagpapatuloy din ang libreng sakay na alok ng Manila City Jail na biyahe pa Quiapo -Baclaran at pabalik.
Mismong si Manila City Jail spokesperson Jake Jacobe ang nagtatawag ng mga pasahero.
Moira Encina