PBBM pinaiimbestigahan ang pagkakasangkot ng mga pulis sa P6.7B shabu bust
Matatapos sa susunod na dalawang lingo ang pagrepaso ng gobyerno sa umano’y pagkakasangkot ng ilang opisyal ng pulisya sa illegal drug trade.
Sa kaniyang talumpati sa 1st Joint National Peace and Order Council (NPOC) at Regional Peace and Order Council (RPOC) Meeting sa Malacañang, binigyang-diin ng Pangulo na hindi maaaring umaksyon laban sa mga nagkamaling opisyal batay sa unverified information.
“Kaya naman ating ginawa ‘yung review, mga official sa police at dahan-dahan… malapit nang matapos,” ayon sa Pangulo.
“I think in another two weeks or so, we’ll be able to finish that. We’ll be able to review all of that,” dagdag pa ni Pang. Marcos.
Sabi ng Pangulo masyadong kumplikado ang sistema, at gayundin ang sitwasyon.
“Hindi naman tayo pwedeng umaksyon on the basis ng tsismis. We cannot move on that basis. We have to be very careful because we have to be fair. It has to be just,” diin pa ni Marcos.
Binigyang-diin ng Pangulo na wala itong anumang laban sa kapulisan dahil katuwang sila ng gobyerno sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan.
Nanawagan din si Marcos sa police organization na makipagtulungan sa kaniyang administrasyon.
Pero may mekanismo rin aniya ang gobyerno para sa mga nalulong sa tukso at dapat silang managot para mabuwag ang tiwaling sistema.
Umapela rin ang Punong Ehekutibo sa miyembro ng konseho na tugunan ang dalawang pangunahing peace and order problems ng bansa – ang pagtaas sa political violence at karahasang nag-u-ugat dahil sa kumpetisyon ng mga drug syndicates.
“We have seen it happening in other countries around the world. Huwag tayong.. huwag nating pabayaang mapunta ang Pilipinas doon sa ganung klaseng sitwasyon.
Bakit? That’s when governments fail, that when nations fail, and wala na tayong maaasahan,” dagdag pa ngPangulo.
Ang pahayag ng Pangulo ay sa harap ng pagkakasangkot umano ng mga opisyal ng pulisya sa posibleng cover-p sa imbestigasyon ng P 6.7-billion drug bust sa Maynila noong Oktubre 2022 kung saan naaresto ang ngayo’y dismissed nasi Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr.
Sa kabila ito ng na unang pagtanggi nglideratong Philippine National Police (PNP) na may tangkang pagtakpan ang imbestigasyon.
Weng dela Fuente