Mga bagong abugado pinayuhan na panatilihin ang pagiging mababang-loob at magalang
“Maging magalang at panatilihin ang pagiging mababang-loob”….
Isa ito sa mga paalala at payo ni 2023 Bar Chairperson at Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando sa 2022 Bar Exams passers na nanumpa nitong Mayo 2 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Sa kaniyang inspirational message, sinabi ni Hernando na ang titulong mga abogado na “Atty.” ay hindi lisensiya para maging mapagmataas.
Dapat din aniyang bantayan ng mga abogado ang mga sarili mula sa “severe self-importance.”
Binigyang-diin ni Hernando na ang pagiging abogado ay mandato para magsilbi at hindi para pagsilbihan.
Anuman din aniya ang gawin ng isang abogado ay sumasalamin ito sa kanilang propesyon.
Pinayuhan din ng mahistrado ang mga bagong abogado na maging maingat sa paggamit ng social media dahil maituturing din silang mga influencer.
Moira Encina