PBBM nangakong isusulong ang pag-unlad ng bansa
Ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na pangungunahan niya ang bansa sa pagharap sa mga hamon para matamo ang inaasam na pagbangon mula sa epekto ng coronavirus pandemic.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang mensahe sa ceremonial toast kaugnay ng isinagawang Vin d’Honneur o Independence Day reception sa Malacañang, para sa paggunita ng bansa sa ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Sa kaniyang talumpati sinabi ni Pangulong Marcos na natatangi ang natapos na paggunita sa Araw ng Kalayaan para harapin ang kaapihan, hindi dahil sa pulitika kundi dahil sa hamon sa kabuhayan ng bansa dulot ng pandemya.
“Today’s celebration has taken a whole new different meaning, as we mark this occasion with renewed hopes and spirited resolve to rise anew as a nation, not from political oppression but from economic scarring engendered by the crippling and lingering effect of the pandemic.”
“That is why, as a way to honor our forebears, it is my duty as President to keep this house in order, and steer the country to a high-growth path whose effect will be felt by each and every ordinary Juan dela Cruz,” mensahe ng Pangulo.
Muli namang inulit ng Punong Ehekutibo ang panawagan sa mga Pilipino para sa pagkakaisa at pagtutulungan para pangalagaan ang kalayaan na ipinaglaban sa nakaraan.
HInikayat din niya na balikan ang kasaysayan ng bansa habang itinutuon ang pansin sa kinabukasang naghihintay.
“It is our shared responsibility to foster a society that upholds democracy, social justice, and inclusivity, so that every Filipino can flourish and contribute to our nation’s growth.”
“From where our country stands now, we recognize that challenges wil continue to test our mettle as a nation, but with unity and solidarity of the Filipino people, we can endure even another 125 years with our heads held high,” pagdidiin pa ni Pangulong Marcos.
Ipinarating din ng Chief Executive sa mga kinatawan ng bawat bansa ang hangad ng Pilipinas na isulong ang mabuting pakikipagkaibigan at samahan para sa kapakanan ng interes ng bawat isa.
“We have been at the forefront, either as a lead or as a proponent, in the global discourse supporting peace and security; social and gender equity; migration; climate change; and other consequential issues in the global agenda.”
“Guided by our independent foreign policy, we continue to conduct our external affairs with national interest as the primordial guide. Our decisions will be grounded on what we determine is best for our people and for our country,” pahayag pa ni Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo “we uphold respect and dignity in our dealings with other countries, and expect the same and have been, have received the same from all other countries. We engage everyone. We are friends to all and enemy to none.”
Hinikayat din ni Pangulong Marcos ang mga katuwang sa gobyerno at pribadong sector na patuloy na gawing inspirasyon ang katapangan at determinasyon ng mga ninuno sa kanilang paggawa para itaas ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Dumalo sa Vin d’Honneur ang Resident at Non-Resident Ambassadors, Charge d’Affaires at Officers-in-Charge (OICs) ng mga Embahada mula sa 76 na bansa, gayundin ang mga pinuno ng 12 International Organizations.
Weng dela Fuente