Rainwater harvesting facility nakikitang long-term solution sa El Niño
Isinusulong ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang paglalagay ng rainwater harvesting facility bilang long-term solution sa El Niño.
Sa harap ito ng nararanasang kakapusan sa suplay ng tubig dahil sa mababang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Sinabi ni Revilla na napatunayan nang epektibo sa maraming mga bansa, gaya ng India ang rainwater harvesting facility.
Sa panukala ng senado, aatasan ang lahat ng developers o project owner na may higit sa 100 square meters blueprint area na maglagay ng ganitong pasilidad.
Maaaring gamitin ang pasilidad para sa urban irrigation, construction, panlinis ng sasakyan at ibang katulad nito.
Ang mga developers naman na may mahigit 1,000 square meters ay kailangang magsumite muna ng rainwater management plan bilang ahagi ng site development application at approval process.
Iginiit ni Revilla na dapat nang kumilos ngayon at hindi na dapat maghintay kung kailan bubuhos ang ulan kung may magagawa namang paraan ang gobyerno.
Meanne Corvera