Hindi isu-surender ng Senado si Senador Ronald “bato” dela Rosa sa mga dayuhan
Tiniyak ni Senador Jinggoy Estrada sa pagpupursige nito na imbestigahan ang umanoy extra judicial killings sa ilalim ng war on drugs noong Duterte administration’
Si Dela Rosa ay nahaharap sa kasong crime against humanity sa ICC dahil sya ang pinuno ng PNP nang mangyari ang umanoy mga kaso ng pagpatay
“Of course, we will protect each and every member of the senate, hindi namin isu-surrender si bato. Anong karapatan ng mga banyaga na hulihin ang isang senador” mariing pahayag ni senador Estrada.
Nakatikim naman ng insulto kay estrada ang mga miyembro ICC.
Ayon kay Estrada, dapat silang i-ban sa Pilipinas para hindi na makapanggulo pa
“Sino ba itong mga puting unggoy na ito, gustong pumunta dito para mag imbestiga? Huwag na silang papasukin dito! Mangungulo lang dito yan!” pag-insulto pa ng senador.
Nauna nang naghain si Estrada ng resolution para igiit ang mariing pagtutol ng senado sa imbestigasyon ng ICC at protektahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa anumang harrasment ng ICC.
Papayag raw sya na imbestigahan ang dating Pangulo kung may kasong isinampa sa korte sa pilipinas pero hindi sa ICC
“Kung ang mag-iisyu ay Phil Court depende,etc” dagdag na pahayag ni Estrada.
Meanne Corvera