Duty Free Philippines,nakapagtala ng 53% na pagtaas ng kita noong 2023
Malapit na umanong makarekober ang Duty Free Philippines (DFP) pagdating sa mga benta at kita ng korporasyon bago mag-pandemya.
Ang DFP ay attached agency ng Department of Tourism (DOT) na naatasang mag-operate ng duty-and-tax free merchandising system sa bansa.
Ayon kay Duty Free Philippines Chief Operation Officer Vicente Pelagio Angala, umabot sa $102.9 million ang sales ng korporasyon noong nakaraang taon sa kabila ng pandemya.
Mas mataas aniya ito ng 53% kumpara noong 2022 na $67.3 million at halos kalahati na ng sales noong 2019 na nasa $226 million.
Kabilang sa mga best selling na produkto sa mga balikbayan, OFWs, dayuhang turista at international travelers ay mga tsokolate, confectionery at mga pabango at cosmetic products.
Target naman ng korporasyon na maabot ang $167 milyon na kita at benta ngayong 2024.
Hinimok nang pamunuan ng DFP ang mga balikbayan, OFWs at mga Pinoy na nagbiyahe galing ibang bansa na tangkilikin partikular ang mga lokal na produkto sa kanilang tindahan dahil mapupunta ito sa mga proyekto at programa ng turismo ng Pilipinas.
Noong 2023, nasa $ 3.3 milyong ang naitalang sales ng DFP sa mga lokal na produkto.
Kabuuang $40 million ang kita na nairemit ng DFP sa DOT noong 2023 hanggang sa 1st quarter ng 2024.
Moira Encina