US, Japan, PH summit sa Washington magpapalakas sa defense at economic ties
Magtutungo sa Washington sa linggong ito ang mga lider ng Japan at Pilipinas, para sa unang trilateral summit na ang layunin ay palakasin ang ugnayang pang-depensa.
Sinabi ng White House, “The talks will ‘advance a trilateral partnership built on deep historical ties of friendship, robust and growing economic relations’ and a shared vision for a free and open Indo-Pacific.”
Bago umalis patungong Tokyo nitong Lunes, ay sinabi ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida, “The Japan-US relationship is ‘more ironclad than ever’ and my trip will demonstrate’ this message to the world.”
Ang trilateral summit ay kasunod ng isang quad military exercises ng Pilipinas, US, Japan at Australia sa West Philippine Sea.
Ayon naman sa foreign ministry ng China, “I was opposed to the cobbling together of exclusive small circles and to confrontation between different groups in the region.”
Ang 66-anyos na si Kishida ay kapwa magsasalita sa harap ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa Huwebes, bago makipagpulong kay President Ferdinand Marcos, Jr., at US President Joe Biden para sa unang trilateral summit.
Magkakaroon din ng hiwalay na pag-uusap ang 81-anyos na si Biden at ang 66-anyos na si Marcos na nakikitang mas malapit sa Washington kaysa sa pinalitan niyang si Rodrigo Duterte na mas kumikiling sa China.
Gumawa rin ng hakbang si Biden na i-manage ang tensiyon sa China, kung saan dalawang oras siyang nakipag-usap sa telepono kay Chinese President Xi Jinping noong isang linggo, at nagkaroon din ng isang face-to-face meeting sa San Francisco noong Nobyembre.
Bago ang pagbisita sa US, sinabi ni US ambassador to Japan Rahm Emanuel, “Staunchly pacifist for decades, Japan has in recent years made ‘some of the most significant, momentous changes’ since World War II.”
Kabilang dito ang planong doblehin ang military spending, pagbili ng US Tomahawk missiles, pagpapagaan sa mga panuntuan sa pag-e-export ng mga armas at pagbuo ng isang joint operations command para sa kanilang Self-Defense Forces (SDF).
Nagbibigay din ito ng pondo at kagamitan tulad ng mga patrol vessel sa mga bansa sa buong rehiyon at nakikipag-usap sa Pilipinas tungkol sa pagpapahintulot sa mga troop deployment sa bawat isa.
Ayon sa mga ulat, maaaring magkasundo sina Biden at Kishida sa pinakamalaking pag-upgrade sa US-Japan command and control structure sa loob ng mga dekada, upang gawing mas maliksi ang kanilang mga militar sa isang krisis, halimbawa, isang pagsalakay ng China sa Taiwan.
Sinabi ni Yee Kuang Heng mula sa Graduate School of Public Policy ng University of Tokyo, “Currently, despite their close interoperability, US forces in Japan and SDF operate under separate commands.”
Ang US ay mayroong 54,000 military personnel sa Japan na dapat na muling mag-report sa Indo-Pacific Command sa Hawaii, humigit-kumulang 6,500 kilometro (4,000 milya) ang layo at atrasado ng 19 na oras.
Ayon kay Heng, “This is seen as not fit for 21st-century purposes given the severe security environment around Japan.”
Batay pa sa ulat ng media, ang dalawang bansa ay maaari ring magkasundo na payagan ang malalaking US warships na sumailalim sa pagkukumpuni sa mga pribadong shipyards sa Japan, at sa joint production ng defense equipment.