DSWD tiniyak na hindi magagamit sa politika ang financial assistance nito

0
DSWD tiniyak na hindi magagamit sa politika ang financial assistance nito

Nanindigan si Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian na hindi magagamit sa politika ngayong election period ang pagbibigay ng tulong pinansiyal ng kagawaran sa mga nangangailangan.

Sinabi ni Gatchalian na ang mga social worker ng DSWD ang nag-a-assess kung sino ang kuwalipikado o hindi para mabigyan ng assistance.

Aniya, ang mga social worker na dumaan sa pagsasanay ang gatekeeper para sa mga programa nito at wala nang iba pa.

Niliwanag pa ng kalihim na ang ipinasuspinde lang ng Comelec na programa ng DSWD sa campaign period ay ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Pero hindi aniya ipinagbawal sa DSWD na tuparin ang mandato nito na tulungan ang mga nangangailangan kahit sa panahon ng halalan.

Moira Encina-Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *