Pagbabalik ng merit-based promotion ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno
“Ayaw kong mapo-promote ‘yung tagadala ng bag ni Ma’am o ni Direktor.”

Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso
Ito ang matibay na pahayag ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga empleyado ng City Hall sa kanyang unang flag-raising ceremony, mula nang muling maluklok bilang Chief Executive ng lungsod.
Sinabi ni Domagoso na ilalagay niya sa unahan at sentro ang pagiging patas at propesyonalismo, at binigyang-diin na ang mga promosyon sa City Hall ay mahigpit na ibabatay sa merito.
Samantala, sa pagtugon na mga traffic enforcer, pinaalalahanan ni Domagoso ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na tumutok sa pagtulong sa publiko kaysa sa predatory enforcement.
Sa sitwasyon ng basura sa lungsod, sinabi ng alkalde na naresolba na ng kanyang administrasyon ang 80% hanggang 85% ng basura sa loob ng isang linggo matapos maupo sa pwesto.
Pinasalamatan niya ang mga tauhan mula sa Department of Public Services, City Engineering, MDRRMO, at MTPB sa pagkilos sa gitna ng krisis.
Nangako rin si Domagoso na ibabalik ang mga medikal na suplay sa mga ospital at health center sa lungsod, matapos matuklasan ang mga kakulangan sa isang sorpresang inspeksyon.
Archie Amado