Ikalawang batch ng mga bagong halal na kongresista sumalang na sa orientation seminar

Matapos sumalang sa orientation seminar ang unang batch ng mga bagong halal na mga kongresista na binubuo ng 41, noong June 23 hanggang 25 ay sumalang na rin sa kaparehong orientation seminar ang ikalawang batch na binubuo ng 56, simula ngayong July 7 hanggang 9.
Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco, na ang 20th Congress ay bubuuin ng 317 mga miyembro, 97 dito ay mga first termer, 69 ay mula sa legislative districts at 28 ay mula sa partylist groups.

House Secretary General Reginald Velasco
Ang mga first termer na mga kongresista ay dumaan sa executive course on legislation para magkaroon ng sapat na kaalaman sa proseso ng paggawa ng batas.
Inihayag ni Velasco na sa July 28 ay opisyal nang magbubukas ang first regular session ng 20th Congress, kasunod ng ika-4 na State Of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Vic Somintac