Mga Pinoy an kumukonsumo ng hindi lalampas sa 135kWh nais ni Senador Marcoleta na malibre na sa pagbabayad

Senator Rodante Marcoleta / courtesy Sen. Marcoleta’s FB
Nais ni Senador Rodante Marcoleta na malibre sa pagbabayad ang mga Pilipinong kumukunsumo ng kuryente na hindi lalampas sa 135 kWh kada buwan.
Sa panukalang batas na inihain ni Marcoleta, pina-aamyendahan nito ang Electric Power Industry Reform Act.
Ito ay upang mapalawak pa ang implementasyon ng lifeline rate at mabigyang kaginhawaan ang low-income households na nahihirapan sa napakataas na singil sa kuryente sa bansa.
Sa panukalang batas, mula sa dating 100 kWh ay itataas ang limit sa hindi hihigit sa 135 kWh ang malilibre sa bayarin sa kuryente o isasailalim sa full subsidy ng gobyerno.
Sa kasalukuyan ay may ipinatutupad na discount bracket ang Meralco, kung saan 100 percent na libre sa kuryente ang mga kumukunsumo lamang ng hanggang 20 kWh o katumbas ng P300 na bayarin sa electricity bill kada buwan.
Katumbas lamang ito ng para sa pagpapailaw ng isang bumbilya, electric fan at maliit na radyo.
Iginiit ng senador na ang kasalukuyang lifeline rate ay napakababa at hindi nagre-reflect sa reyalidad na hinaharap ng mahihirap na households.
Meanne Corvera