Cockpit recording ng Air India, nagmumungkahi na pinutol ng piloto ang fuel supply sa makina bago ito bumagsak

0

Wreckage of the Air India Boeing 787-8 Dreamliner plane sits on the open ground, outside Sardar Vallabhbhai Patel International Airport, where it took off and crashed nearby shortly afterwards, in Ahmedabad, India July 12, 2025. REUTERS/Amit Dave

Sinusuportahan ng isang cockpit recording ng usapan sa pagitan ng dalawang piloto ng Air India flight na bumagsak noong isang buwan, ang mga pananaw na pinutol ng piloto ang daloy ng fuel sa makina ng eroplano.

Ayon sa cockpit recording, tinanong ng first officer na nasa controls ng Boeing 787 ang kapitan kung bakit nito ginalaw ang fuel switches sa posisyon kung saan mahihinto ang daloy ng fuel sa mga makina, at hiniling kung maaaring ibalik niya ang fuel flow.

Ito ang sinabi ng source na ayaw magpabanggit ng pangalan dahil nasa ilalim pa ng imbestigasyon ang insidente.

A police officer stands in front of the wreckage of an Air India aircraft, bound for London’s Gatwick Airport, which crashed during take-off from an airport in Ahmedabad, India June 12, 2025. REUTERS/Adnan Abidi/File Photo

Ang assessment ng U.S. ay wala sa pormal na dokumento ayon sa source, na binigyang-diin na ang sanhi ng pagbagsak ng Air India sa Ahmedabad, India noong June 12 na ikinamatay ng 260 katao ay iniimbestigahan pa.

Ayon sa Reuters, walang cockpit video recording na magpapakita kung sinong piloto ang gumalaw sa mga switch, ngunit ang bigat ng ebidensiya mula sa recording ng pag-uusap ay tumutukoy sa kapitan, batay sa naunang assessment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *