E-Gov Serbisyo Hub at Super App inilunsad na ng gobyerno

0

Mas mapadadali na ang pagkuha ng kaukulang dokumento ng ating mga kababayan, matapos ilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang E-Gov Serbisyo Hub sa National Government Center sa San Juan City.

Ang nasabing hub ay magsisilbing one-stop-shop o nasa iisang gusali na lamang ang lahat ng government agencies na kakailanganin ng ating mga kababayan.

Ayon sa pangulo, bukod sa inilunsad na nilang E-Gov App at ang mas pinalakas pa ngayong E-Gov Super app, mas mailalapit na sa tao ang serbisyo ng gobyerno at hindi na kailangang lumiban pa sa trabaho o magkonsumo ng napakahabang oras.

Sinabi ng pangulo, “Basta’t may connectivity, hindi na kailangan pumunta sa ahensya, hindi na kailangan pumunta sa poblasyon, hanapin yung kung sinong tao na kailangan kausapin para makuha ang clearance, maayos ang papeles, etc., na ito ay kaya nang gawin sa kahit saan. Basta’t meron kang cellphone, meron kang smartphone, may computer ka, basta’t may connectivity ka, you can do all of this online. Nasa bahay ka lang. And we are now going to, what we have to do.”

Bukod sa E-Gov Serbisyo Hub, muling inilunsad ang E-Gov Super App kung saan mas pinalakas na ito at pinalawig, at maaaring ma-avail din ang mga serbisyo sa nasabing mobile application.

Kailangan lang na mayroong internet connection sa mga gadget para ma-access ang super app.

Maging ang pagbabayad sa iba’t ibang government agencies tulad ng BIR, ay maari na ring ma-access sa kanilang super app para mas maging convenient sa ating mga kababayan.

Ayon sa pangulo, “All payments to government can be done over Wi-Fi. We do it already. Karamihan na, almost 50% now of our transactions are actually digital. So, we can just keep moving. We just keep moving, make it even more. And eventually, all the payments that you make to government, to the BIR, for the fees that you are needing, you can do it now over the e-Gov app through electronic banking.”

Kasama rin sa launching ang mga kalihim ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, maging ang mga opisyal mula sa local government units.

Plano na rin na magkaroon ng Serbisyo Hub one stop shop bilang bahagi ng digitalization initiative ng gobyerno sa iba pang mga lugar sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.

Earlo Bringas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *