Pinsala ng magkakasunod na bagyo at habagat sa infra, umabot na sa halos P7-B

0

Courtesy: DPWH

Pumalo na sa higit 6.7 bilyong piso ang naitalang pinsala sa mga imprastraktura dulot ng magkakasunod na bagyong Crising, Dante, Emong, at Habagat sa ilang lugar sa bansa.

Sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH), pinakamalaking pinsala ay naitala sa flood control structures na umabot sa higit 4.6 bilyong piso.

Courtesy: DPWH

Sa national roads naman ay umabot sa 1.7 bilyon, 178 milyon sa mga tulay at 75 milyon sa mga pampublikong gusali.

Ang pinakamalaking pinsala ay naitala sa Central Luzon, sinundan ng Ilocos region at Calabarzon.

Courtesy: DPWH

Sa monitoring ng DPWH, may 7 pangunahing kalsada sa Cordillera Administrative  Region, Central Luzon at Calabarzon ang sarado pa rin sa mga motorista, dahil sa nagkalat na malalaking debris, gumuhong lupa at baha.

Sa Kennon Road ay may nakaharang na debris sa bridge deck sa bahagi ng Sitio Camp 6, Brgy. Camp 4, Tuba, Benguet.

Courtesy: DPWH

Hindi pa rin maraanan ang Baguio-Bontoc Road sa Mt. Province, Cong. Andres Acop Cosalan Road sa Buguias, Benguet, Baliwag-Candaba-Sta Ana Road at Candaba-San Miguel Road sa  Pampanga, Diokno Highway sa Calaca, Batangas at Talisay-Laurel-Agoncillo Road, Bugaan Detour sa Laurel, Batangas.

Madelyn Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *