Kamara hinamon ni Navotas Rep. Toby Tiangco na alisin ang small committees sa pagtalakay sa national budget

0

Sa katatapos na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ay binanggit niya na kailangang magkaroon ng reporma sa pagtalakay sa national budget, dahil nasisingitan ng mga pondo na hindi nakapaloob sa National Expenditure Program (NEP), tulad ng nangyari sa 2025 national budget.

Hinamon ni Navotas representatives Toby Tiangco ang liderato ng Kamara sa ilalim pa rin ni House Speaker Martin Romualdez, na magpatupad ng pagbabago sa budget deliberations para sa 2026, na nagkakahalaga ng P6.793 trilyon.

Si Tiangco na dating miyembro ng majority group noong 19th congress ay humiwalay at nagpasyang maging independent ngayong 20th congress, ay humiling sa liderato ng Kamara na alisin ang small committees sa budget deliberation, at ipaubaya na lamang ito sa mother committee o House Committee on Appropriations.

Ayon kay Tiangco, sa small committee na nagsasagawa ng budget hearing ng bawat ahensiya nagkakaroon ng insertion, bukod sa nangyayari sa Bicameral Conference Committee.

Magugunitang kinuwestiyon sa Korte Suprema ang constitutionality ng 2025 national budget, dahil nagkaroon umano ito ng insertion nong dumaan sa pagtalakay ng Bicameral Conference Committee na sinasabing nagamit sa nagdaang midterm elections.

Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *