Panibagong oil price hike sa unang linggo ng Agosto
Asahan ang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo o sa unang linggo ng Agosto.
Ayon kay Rodela Romero, Asst. Director ng Department of Energy-Oil Management Bureau, narito ang posibleng maging paggalaw sa krudo.
Sa gasolina ay maaaring nasa higit o mababa pa sa P1.50 ang pagtaas sa kada litro.
Sa diesel, posibleng nasa higit o mas mababa pa sa P1.00 ang kada litro.
At sa kerosene ay nasa P0.80 ang maging pagtaas o mas mababa ang kada litro.
TL