India bibili pa rin ng langis mula sa Russia sa kabila ng banta ni Trump

0

LNG-powered Russian vessel Vladimir Vinogradov unloads crude at the Deendayal Port in Vadinar in the western state of Gujarat, India, September 27, 2024. REUTERS/Amit Dave

Sinabi ng dalawang Indian government sources na ayaw magpabanggit ng pangalan dahil sa pagiging sensitibo ng usapin, na bibili pa rin langis ang India mula sa Russia, sa kabila ng banta ni U.S. President Donald Trump na magpapataw ito ng penalties.

Bukod sa bagong 25% tariff sa exports ng India sa U.S., ipinahiwatig ni Trump sa kaniyang Truth Social post noong isang buwan, na mahaharap ang India sa dagdag na penalties dahil sa pagbili ng armas at langis mula sa Russia.

Noong Biyernes, sinabi ni Trump sa mga mamamahayag, na narinig niyang hindi na bibili ang India ng langis mula sa Russia.

Pero sinabi ng sources, na walang biglaang pagbabagong mangyayari.

Sinabi ng isa mga ito,“These are long-term oil contracts. It is not so simple to just stop buying overnight.”

Bilang pagtatanggol naman sa pagbili ng India ng langis mula sa Russia, sinabi ng ikalawang source, “India’s imports of Russian grades had helped avoid a global surge in oil prices, which have remained subdued despite Western curbs on the Russian oil sector.”

Hindi tulad ng Iranian at Venezuelan oil, ang Russian crude ay walang direktang  sanctions, at ang India ay bumibili nito ng mas mababa sa kasalukuyang price cap na itinakda ng European Union, ayon pa sa source.

Binanggit din ng New York Times ang dalawang hindi pinangalanang senior Indian officials noong Sabado, na nagsabing wa;ang kagyat na pagbabago sa  Indian government policy.

Hindi naman tumugon ang Indian government authorities sa kahilingan ng Reuters para sa opisyal na komento sa intensiyon nito nang pagbili ng langis.

Gayunman, sa isang regular press briefing ay sinabi ni foreign ministry spokesperson Randhir Jaiswal, “India has a steady and time-tested partnership with Russia. On our energy sourcing requirements … we look at what is there available in the markets, what is there on offer, and also what is the prevailing global situation or circumstances.”

Hindi naman agad na tumugon ang White House nang hingan ng komento.

Ang India ay umaangkat ng nasa 1.75 million barrels bawat araw ng Russian oil mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, mas mataas ng isang porsiyento mula sa nakalipas na taon, batay sa data na ibinigay ng sources sa  Reuters.

Gayunman, sinabi ng apat na sources sa Reuters, na ang Indian state refiners gaya ng Indian Oil Corp IOC.NS, Hindustan Petroleum Corp HPCL.NS, Bharat Petroleum Corp BPCL.NS at Mangalore Refinery Petrochemical Ltd MRPL.NS, ay huminto na sa pagbili ng Russian oil makaraang bumagsak sa pinakamababa mula 2022 ang July discounts, nang unang ipataw ang sanctions sa Moscow dahil sa mas mababang Russian exports at steady demand.

Ang Nayara Energy, isang refinery na ang nakararaming may-ari ay Russian entities, kabilang ang oil major na Rosneft ROSN.MM, at major buyer ng  Russian oil, ay pinatawan ng sanction kamakailan ng European Union (EU).

Kasunod ng sanctions ay nagbitiw ang chief executive ng Nayara, at tatlong  vessels na may kargang oil products mula Nayara Energy ang hindi pa nagbababa ng kanilang mga kargamento, dahil nahadlangan ng bagong sanction  ng EU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *