Malaking wildfire sumiklab sa southern France

French firefighters work to contain a fire as trees burn in the Fontfroide massif, as wildfires continue to spread near Narbonne in Aude department in southern France, July 8, 2025. (File photo by REUTERS/Alexandre Dimou)
Tinupok ng isang wildfire sa Aude region ng southern France malapit sa Spanish border, ang humigit-kumulang 4,500 ektarya ng kagubatan.
Sinabi ni Colonel Alexandre Jouassard, tagapagsalita para sa civil protection agency, na mahigit 1,250 mga bumbero ang ipinadala sa lugar upang apulahin ang apoy.
Ayon kay French President Emmanuel Macron, lumalaki pa ang sunog kaya’t pinakilos na ang lahat ng resources ng bansa.
Samantala, dalawa katao na ang nasaktan bunga ng sunog, kung saan ang isa ay malubha, ayon kay Lucie Rosech, deputy prefect ng Aude.