Malakas na ulan at landslides hadlang sa rescue efforts sa northern India

Houses are partially buried by a mudslide, amid flash floods, in Dharali, Uttarakhand, India, August 5, 2025. Photo: Indian Army Central Command via X/Handout via REUTERS
Hadlang ang malalakas na pag-ulan sa rescue efforts sa Himalayan state ng Uttarakhand, isang araw makaraan ang biiglaang pagbaha at landslides na nag-iwan ng apat kataong patay at dose-dosenang nawawala.
Nahirapan ang mga team ng army at disaster force rescuers na marating ang Dharali village, isang sikat na tourist spot na nagsisilbing pit-stop bago maakyat ang Hindu pilgrimage town ng Gangotri, dahil sa nakaharang na guho ng lupa sa isang pangunahing lansangan at malakas na ulan na patuloy sa pagbuhos sa rehiyon.
Sa isang social media post na ibinahagi ng Indian army, ay sinabi ni Harshavardhan, isang army colonel na nangunguna sa rescue efforts, “The number of missing persons is unknown; however the relief efforts have continued through the night. We are trying to rescue people and take them to safety,”

Houses are partially buried by a mudslide, amid flash floods, in Dharali, Uttarakhand, India, Aug 5, 2025 / PHOTO: Indian Army Central Command via Reuters
Ayon sa NDTV news channel, ang army camp saHarsil, apat na kilometro (2.5 miles) mula sa binahang village ng Dharali, ay nadamay din sa flash floods at labing-isang army personnel ang nawawala.
Sa isang pahayag ay sinabi ng central command ng army, “Additional army columns along with tracker dogs, drones, logistic drones, earthmoving equipment, etc have been moved ahead to supplement the resources at Harsil to hasten the efforts.”
Nakita sa TV news channels ang tubig-baha at putik na rumagas pababa sa isang bundok at bumagsak sa village, tinangay ang mga bahay at lansangan habang tumatakbo ang mga tao upang makaligtas.
Nalibing naman sa mudslide ang ilang bahay sa Dharali village, ayon sa isang video update ng state chief minister’s office.
Ang Uttarakhand ay lantad sa mga baha at pagguho ng lupa, na isinisisi ng ilang eksperto sa climate change.