3 high powered loose firearms, nakumpiska ng PNP-CIDG sa operasyon sa Batangas

Photo: PNP-CIDG
Nakumpiska ng mga operatiba ng Philippne National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), ang 3 high powered loose firearms sa ikinasang buy-bust operation sa isang gasoline station sa Sto.Tomas, Batangas.
Arestado ang suspek na si Alyas Zandy habang nakatakas naman ang isa pang suspek na si Alyas Archie.

Photo: PNP-CIDG
Nabawi sa suspek ang 2 caliber 5.56 rifles, at 1 caliber .22 rifle, mga magazines at 30 kahon ng mga bala.

Photo: PNP-CIDG
Ayon kay CIDG Director Brig. Gen. Christopher Abrahano, 1 buwan ding minanmanan ng mga operatiba ang suspek na pinaniniwalaang myembro ng isang gun running syndicate.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na smuggled galing sa ibang bansa ang mga nasabat na baril.

Photo: PNP-CIDG
Marami na rin umanong napagbentahan ang grupo ng mga ilegal na baril sa Batangas at mga karating lalawigan.
Ang pinangangambahan ng mga awtoridad, ay ang mapasakamay ito ng mga sindikatong kriminal at magamit sa paghahasik ng gulo.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Mar Gabriel