DOTr : EDSA rehabilitation, sisimulan ngayong taon

0
edsa1

Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na sisimulan na ngayong taon ang rehabilitasyon ng EDSA Busway.

Kahapon, ay nag-inspeksiyon si Dizon sa EDSA Busway-North Avenue Station at iba pang transportation facilities isa na ang Elliptical Road sa Quezon City, kasama si Budget Secretary Amenah Pangandaman at iba pang government official.

Ayon kay Dizon, sisimulan ang rehabilitasyon sa Phase 1 at 2 ng busway. Saklaw ng Phase 1 ang apat na eksistidong busway stations, ang Monumento, Bagong Barrio, North Avenue, at Guadalupe.

Aabot sa higit P200 million ang magagastos para sa rehabilitasyon ng lahat ng phase na sisikapin aniyang matapos sa loob ng isang taon.

Para naman sa Phase 2, saklaw nito ang tatlong istasyon kasama ang bagong busway stations na itatayo sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at Cubao. Posible aniyang sa Oktubre simulan ang rehabilitasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *