Planong pagkontrol sa Gaza City, aprubado na ng security cabinet ng Israel

Palestinians, displaced by the Israeli offensive, shelter in tents, amid a hunger crisis, in Gaza City, August 1, 2025. REUTERS/Dawoud Abu Alkas/File Photo
Inaprubahan na ng political-security cabinet ng Israel ang isang plano na kontrolin ang Gaza City, habang pinalalawak ng bansa ang kaniyang military operations sa kabila ng mtumitinding kritisismo mula mismo sa Israel at sa ibang mga bansa kaugnay ng mapaminsalang dalawang taon nang giyera.
Ayon sa pahayag mula sa tanggapan ni Prime Minister Benjamin Netanyahu, “The IDF will prepare to take control of Gaza City while providing humanitarian aid to the civilian population outside the combat zones.”
Habang sinabi ni Netanyahu ang intensiyon ng Israel na kunin ang military control sa buong Gaza Strip, ang planong inaprubahan ay partikular na nakatuon sa Gaza City, ang pinakamalaking siyudad sa enclave, na nasa hilaga.
Banggit ang isang Israeli official. Ipinost sa X ng Axios reporter na si Barak Ravid, na ang plano ay kinapapalooban ng paglilikas sa Palestinian civilians mula sa Gaza City at paglulunsad ng ground offensive doon.
Nang tanungin kung iti-take over ng Israel ang buong coastal territory, sinabi ni Netanyahu kay Bill Hemmer ng Fox News Channel sa isang panayam, “We intend to.”
Pero sinabi niya na nais ng Israel na ipasa ang teritoryo sa Arab forces na mamamahala rito. Hindi niya idinetalye ang governance arrangements o anong Arab countries ang maaaring ma-involve.
Aniya, “We don’t want to keep it. We want to have a security perimeter. We don’t want to govern it. We don’t want to be there as a governing body.”
Sa kanilang pahayag, sinabi ng tanggapan ni Netanyahu na naniniwala ang malaking bilang ng political-security cabinet members, “the alternative plan presented in the cabinet would not achieve the defeat of Hamas nor the return of the hostages.”
Ayon sa dalawang government sources, anomang resolusyon ng security cabinet ay kailangang aprubahan ng buong gabinete, na maaaring hindi pa makapagpupulong hanggang sa Linggo.
Ang kabuuang kontrol sa teritoryo ay magrerebisa sa isang 2005 decision ng Israel, kung saan winithdraw nito ang Israeli citizens at soldiers mula sa Gaza, habang pinanatili ang kontrol sa borders nito, airspace at utilities.
Ang withdrawal decision ay isinisi ng right-wing parties sa militanteng Palestinian group na Hamas, na muling nagkaroon doon ng kapangyarihan sa ginanap na 2006 election.
Hindi pa malinaw kung tinitingnan ni Netanyahu ang isang matagalang takeover o isang short-term operation. Paulit-ulit nang sinabi ng Israel na target nitong buwagin ang Hamas at palayain ang Israeli hostages.
Sa isang pahayag ay tinawag naman ng Hamas ang komento ni Netanyahu na isang “a blatant coup against the negotiation process.”
Ayon sa pahayag, “Netanyahu’s plans to expand the aggression confirm beyond any doubt that he seeks to get rid of his captives and sacrifice them.”
Sinabi ng isang Jordanian official source sa Reuters, “Arab countries would only support what Palestinians agree and decide on. Security in Gaza should be handled through legitimate Palestinian institutions.”
Ayon naman sa Hamas official na si Osama Hamdan, “We will treat any force formed to govern Gaza as an ‘occupying’ force linked to Israel.”
Tinawag naman ng U.N. na “deeply alarming,” ang mga ulat tungkol sa isang posibleng pagpapalawak ng military operations ng Israel sa Gaza, kung totoo ito.