Bagong album na may titulong ‘The Life of a Showgirl’ inanunsiyo ni Taylor Swift

Taylor Swift poses at the red carpet during the 67th Annual Grammy Awards in Los Angeles, California, U.S., February 2, 2025. REUTERS/Daniel Cole/File Photo
Inanunsiyo ng Superstar na si Taylor Swift ang kaniyang ika-12 studio album na may titulong “The Life of a Showgirl.”
Ang anunsiyo ay ginawa ni Swift, na nanalo na ng 14 na Grammys kabilang ang isang hindi inaasahang apat na trophy para sa album of the year, sa isang podcast episode kasama ang kasintahang US football star na si Travis Kelce at kapatid nito na si Jason Kelce.
Sa isang clip ng New Heights podcast sa Instagram ay makikita si Swift habang hawak ang naka-blur na version ng album cover, habang sinasabi na, “This is my brand new album, ‘The Life of a Showgirl’.”
Ayon naman sa website ni Swift, ang opisyal na release date ng album ay susunod na ring i-aanunsiyo.
Ang vinyl version ng album ay puwede ipre-order sa website ng singer sa halagang $30. Ang cassette version ay nagkakahalaga naman ng $20, habang ang isang CD na may poster ni Swift ay $13.

A screengrab of Taylor Swift’s website shows purchase links for vinyls, cassettes and posters of her new album ‘The Life of a Showgirl’ with blurred cover images. TaylorSwift.com/Handout via REUTERS
Inanunsiyo ng megastar, na ang record-breaking “Eras” tour ang unang nakalampas sa $1 billion na kita, makaraan niyang bilhin ang master recordings ng unang anim niyang albums noong May, kaya nasa kaniyang kontrol na ngayon ang lahat ng kaniyang musika pagkatapos ng hidwaan nila ng dati niyang record label.
Ang huling album ni Swift na “The Tortured Poets Department” ay nakabenta ng 2.61 milyong album at streaming units sa unang linggo ng paglabas nito sa US, kung saan ayon sa Billboard, ito ang pinakamalaking streaming week para sa isang album kailanman at ang pinakamalaking linggo ng pagbebenta para sa isang vinyl album sa modernong panahon.
Sinabi naman ng Spotify, na ang “Poets” ang kanilang most-streamed album sa isang single week lamang, na lumampas sa 1 billion streams.
Isa siya sa ilang nangungunang music artists na kamakailan ay naglabas ng albums.
Ang kapwa pop artist na si Sabrina Carpenter ay maglalabas ng album na “Man’s Best Friend” ngayong Agosto, habang ang mang-aawit na si Ed Sheeran ay maglalabas ng album sa Setyembre.
Ang 35-anyos na si Swift, ay nagtakda ng milestones sa industriya ng musika at nagpalakas ng mga lokal na ekonomiya dahil sa kaniyang The Eras Tour, isang phenomenon na tinawag ng ilang ekonomista na “Swiftflation.”
Ang termino ay ginamit upang ilarawan kung paanong ang kanyang napakasikat na tour ay lumikha ng mga pansamantalang pagtaas sa mga lokal na presyo, lalo na sa mga sektor tulad ng mga hotel, kainan, paglalakbay, at entertainment.