Dating unang ginang ng South Korea inaresto

Businesswoman Kim Keon Hee is arrested on corruption charges and behind bars at the Seoul Nambu Detention Centre on Aug 13. / Reuters
Arestado ang dating first lady ng South Korea na si Kim Keon Hee, makaraang magpalabas ng warrant ang korte upang hulihin siya, kasunod ng mga akusasyon ng katiwalian na kaniya namang itinanggi.
Si Kim ang tanging dating unang ginang ng South Korea na inaresto, at kasama niya sa kulungan ang kanyang asawang si ex-President Yoon Suk Yeol, na nahaharap sa paglilitis kasunod ng pagpapatalsik sa kanya noong Abril dahil sa pagpapataw ng batas militar noong Disyembre.
Isa sa mga akusasyon sa dating unang ginang, ay ang paglabag umano niya sa batas nang magsuot siya ng mamahaling Van Cleef pendant na napaulat na nagkakahalaga ng higit 60 million won ($43,000), nang dumalo silang mag-asawa sa isang NATO summit noong 2022.

South Korea’s former first lady Kim Keon Hee arrives at the special prosecutor’s office in Seoul on Aug 6. / Reuters (file photo)
Ang nasabing alahas ay wala sa kanilang financial disclosure na ipinag-uutos ng batas.
Inaakusahan din si Kim ng pagtanggap ng dalawang Chanel bags na ang pinagsamang halaga ay aabot sa 20 million, at isang diamond necklace mula sa isang religious group bilang suhol kapalit ng paborableng impluwensiya sa business interest ng nabanggit na religious group.
Ayon sa tagapagsalita para sa special prosecutor, ninais ng prosekusyon na maaresto si kim dahil sa panganib na sirain nito ang mga ebidensiya at makialam sa imbestigasyon.
Tinanggap naman ing korte ang argumento sa panganib nang pagsira sa mga ebidensiya, ayon sa ulat ng Yonhap.

If detained, Ms Kim Keon Hee would be South Korea’s only former first lady to be arrested. / Reuters
Sinabi ng tagapagsalita na si Oh Jeong-hee, na sinabi ni Kim sa prosecutors na ang sinuot niyang pendant ay peke at nabili 20 taon na ang nakalilipas sa Hong Kong.
Ayon aniya sa prosekusyon, tunay ang nasabing alahas at ibinigay iyon ng isang domestic construction company para isuot ni Kim sa summit.
Hindi naman agad na nagkomento ang mga abogado ni Kim, ngunit una na nilang itinanggi ang mga akusasyon laban sa dating unang ginang at sinabing wala iyong mga basehan at espekulasyon lamang ang mga ulat tungkol sa ilan sa mga regalong kaniyang tinanggap.

Yoon Suk Yeol plunged South Korea into a political crisis when he sought to subvert civilian rule on Dec 3, 2024. / Reuters (file photo)
Ang asawa ni Kim na si Yoon ay nililitis sa kasong insurrection, na maaaring magresulta sa habangbuhay na pagkabilanggo o parusang kamatayan.
Ang dating pangulo ay nahaharap din sa mga kaso ng pag-abuso sa kapangyarihan, ngunit ito ay kaniyang pinabulaanan at tumangging dumalo sa mga paglilitis at sagutin ang pagkuwestyon ng prosecutors.