Fraud audit sa flood control project sa Bulacan ipinag-utos ng COA

0

Ipinag-utos ng Commission on Audit (COA), ang pagsasagawa ng isang fraud audit sa flood control projects sa Bulacan, na isa sa mga matinding binaha nitong magkakasunod na bagyo na sinabayan ng habagat.

Sa utos ni COA Chairperson Gamaliel Cordoba, nakasaad na ito ay bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Mrcos, Jr., na imbestigahan ang umano’y iregularidad sa flood control projects ng gobyerno.

Sa memorandum, sinabi ni Cordoba na dahil sa seryosong isyung binanggit ng pangulo patungkol sa flood control projects, kailangan ang isang fraud audit.

Sakop nito ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bulacan na madalas pa ring binabaha, kahit umanot umano sa P44-bilyon ang inilaan rito ng gobyerno na pinakamalaki sa kabuuan ng Central Luzon.

Nabatid na nasa P98-bilyon ang natanggap na pondo ng rehiyon mula July 1,2022 hanggang May 30, 2025 na katumbas ng 18% ng kabuuang P548-bilyong flood control project sa kabuuan ng bansa.

Inatasan din ni Cordoba ang lahat ng supervising auditor at audit team leaders sa mga DPWH District Engineering Office sa Region 3, na isumite ang lahat ng kailangang dokumento para sa fraud audit.

Sa kaniyang pagbisita sa Calumpit, Bulacan ay mismong si PBBM ang nakakita sa isang proyekto sa ilog na idineklarang tapos na, pero hindi pa pala kumpleto.

Madelyn Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *