Spain nakikipagbuno sa 20 malalaking wildfires

A dog walks past a cemetery as smoke rises from a wildfire in As Fermosas, in the Ourense province, Galicia, Spain, August 16, 2025. REUTERS/Nacho Doce
Nakikipagbuno ngayon ang spain upang maapula ang 20 malalaking wildfires, na pinatindi pa ng nararanasan doon na napakainit na panahon.
Sa north-western section ng galicia, may ilang maliliit na sunog ang naging isang malaking sunog, na nagresulta sa pagsasara ng mga lansangan at paghinto ng biyahe ng mga tren.
Nagdeploy na rin ang gobyerno ng dagdag na 500government troops mula sa military emergency unit upang tumulong sa mga bumbero.
Ayon sa aemet, ang spanish national weather agency, Inaasahang aabot sa 45 degree celcius ang temperatura sa ilang lugar, at may mga village na rin na nawalan ng suplay ng kuryente.
Sinabi ni prime minister pedro sanchez, na nakararanas ngayon ang europe ng matinding wildfire season na hindi pa nila naranasan sa nakalipas na dalawang dekada, at isa ang spain sa pinakamalubhang tinamaan nito.