Hamas sumang-ayon na sa 60-araw na ceasefire proposal

0

A displaced Palestinian man fleeing northern Gaza gestures atop a vehicle loaded with belongings while he heads south as the Israeli military prepares to relocate residents to the southern part of the enclave, in Gaza City, Aug. 18, 2025. Photo: REUTERS/Mahmoud Issa

Inihayag ng isang Egyptian official, na sumang-ayon ang Hamas sa animnapung araw na ceasefire proposal sa Israel, na kapapalooban ng pagpapalaya sa kalahati ng mga bihag na nasa Gaza at pagpapalaya rin ng Israel sa ilang Palestinian prisoners.

Kinumpirma ni Senior Hamas official Basem Naim na inaprubahan ng grupo ang panukala, at sinabing ipinarating na nila ito sa mediators.

Ayon naman sa Israeli media banggit ang Israeli sources, natanggap na nila ang tugon ng Hamas.

Sinabi ng source ng Egyptian official, na kabilang sa kasunduan ang suspensiyon ng Israeli military operations sa loob ng animnapung araw, at ang paglalatag ng isang framework para sa comprehensive deal upang wakasan ang halos dalawang taon nang hidwaan.

Aniya, ang panukala ay halos katulad ng naunang plano na ipinarating ni U.S. special envoy Steve Witkoff, na tinanggap ng israel.

Nakipagpulong ang mediators sa mga kinatawan ng Hamas sa Cairo noong Linggo, at nitong Lunes ay lumahok na rin sa talakayan si Sheikh Mohammed bin Abdulrahman Al Thani, ang prime minister ng Qatar, kung saan nakipagkita siya kay Egyptian President el-Sisi at sa Hamas representatives.

Sa mga unang bahagi ng buwang ito ay inaprubahan ng Israel ang planong pagkontrol sa Gaza City, ngunit sinabi ng mga opisyal na aabutin pa ng ilang linggo bago ito masimulan, na nagbubukas naman ng pinto para sa isang tigil-putukan bagama’t sinabi ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, na magiging mabilis ang pagkontrol nila sa Gaza City at tatapusin ang giyera sa pamamagitan ng paggapi sa Hamas.

A fire burns as demonstrators take part in a protest demanding the immediate release of the hostages kidnapped during the deadly October 7, 2023 attack on Israel by Hamas, and the end of the war, in Tel Aviv, Israel, August 16, 2025. (REUTERS/Ronen Zvulun )

Libu-libong Palestinians na nangangamba sa ground offensive ng Israel ang lumikas na mula sa kanilang tahanan sa eastern areas ng Gaza City.

Inilarawan ni Netanyahu ang Gaza City bilang huling malaking balwarte ng Hamas. Ngunit, dahil hawak na ng Israel ang 75% ng Gaza, nagbabala ang militar na ang pagpapalawak ng opensiba ay maaaring magdulot ng panganib sa mga bihag na buhay pa at maharap ang mga sundalo sa isang “deadly” guerilla warfare.

Sa Gaza City, maraming Palestinians ang nagpoprotesta at nananawagang ihinto na ang giyerang nagwasak na ng malaking bahagi ng teritoryo, at nanawagan din sa Hamas na paigtingin pa ang pakikipag-usap upang huwag matuloy ang ground offensive ng Israel.

Ang huling indirect ceasefire talks ay nauwi sa deadlock noong July, kung saan kapwa nagbatuhan ng sisi ang magkabilang panig sa naging kabiguan nito.

Una nang sinabi ng israel na ihihinto lamang nila ang mga pag-atake kung palalayain ang mga bihag at isusuko ng Hamas ang kanilang mga armas.

Lantaran naman itong tinutulan ng Islamist group at sinabing dapat munang magtatag ng isang Palestinian state.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *