Hurricane Erin maaaring magdulot ng mapanganib na karagatan habang lumalakas malapit sa Bahamas

A man stands on a beach, following the passage of Erin, the first hurricane of the 2025 Atlantic season, in Nagua, Dominican Republic, August 17, 2025. REUTERS/Erika Santelices
Naghahanda na ang mga residente sa Bahamas at Turks at Caicos para pagdating ng Hurricane Erin, isang mapanganib na Category 4 storm at una sa Atlantic season, matapos na ito ay lumakas pa nitong weekend habang dumaraan sa Caribbean islands.
Bagama’t ang landas ni Erin ay hindi patungo sa direktang pagtama sa lupa at wala pa namang naidudulot na malaking pinsala, ang paglawak at paglakas nito ay nagbabantang magdulot ng lubhang maalong karagatan na naging sanhi na ng ilang evacuation orders sa bahagi ng North Carolina, sa U.S. East Coast.
Sa isang report ay sinabi ni AccuWeather senior meteorologist Alex Sosnowski, “Erin’s already large size and intensity are acting like a giant plunger on the sea surface.”
Dagdag pa ni Sosnowski, “Erin was among the fastest-strengthening storms on record after it intensified from a tropical storm to a Category 5 hurricane, the highest level of the Saffir-Simpson scale, in just over 27 hours. It makes 2025 the fourth straight Atlantic season with at least one Category 5 storm.”

Troops of the TCI Regiment prepare to support humanitarian assistance and disaster relief operations following Hurricane Erin at an unidentified location, in Turks and Caicos Islands in this handout picture released on August 16, 2025. TURKS AND CAICOS ISLANDS REGIMENT via Facebook/Handout via REUTERS
Ayon sa U.S. National Hurricane Center (NHC), si Erin, na ngayon ay isang Category 4 storm, ay malamang na mapanatili ang lakas bilang isang mapanganib na major hurricane hanggang sa kalagitnaan ng linggong ito, ngunit iiwas ito sa Bermuda o sa U.S. coast.
Hanggang ngayong Martes, taglay ni Erin ang lakas ng hangin na 130 mph (210 kph) habang dumaraan sa silangan ng Bahamas.
Ayon sa NHC, kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Air Force Reserve at ng National Oceanic and Atmospheric Administration hurricane hunters ang weather system.
Nagpabago-bago ang lakas ng bagyo noong nakaraang weekend, kung saan umakyat ito sa Category 5 noong Sabado bago bumaba sa Category nitong Linggo.
Ito ang ika-limang pinangalanang bagyo ng 2025 Atlantic season at ang una na umabot sa hurricane status. Ang huling Atlantic storm na umabot sa Category 5 intensity ay ang Hurricane Milton noong Oktubre ng 2024.
Sa Bahamas, sinabi ng meteorology department ang southeast ng isla, maging ang Turks at Caicos, ay nakararanas ng tropical storm conditions, at nagbabala na hindi dapat pumalaot ang mga bangka hanggang pagtatapos ng linggong ito.

Troops of the TCI Regiment prepare to support humanitarian assistance and disaster relief operations following Hurricane Erin at an unidentified location, in Turks and Caicos Islands in this handout picture released on August 16, 2025. TURKS AND CAICOS ISLANDS REGIMENT via Facebook/Handout via REUTERS
Ayon sa kagawaran, “The seas could become extremely rough and dangerous during the swells.”
Isang Tropical Storm Watch naman ang ipinalabas mula sa Beaufort Inlet hanggang sa Duck, North Carolina, kabilang ang Pamlico Sound, habang storm surge watch naman ang umiiral para sa Cape Lookout hanggang sa Duck, North Carolina.
Nag-isyu rin ng evacuation orders para sa ilang bahagi ng dalawang North Carolina coastal counties, kung saan batay sa pagtaya ng forecasters ay maaaring magkaroon ng mga alon na hanggang 20 talampakan (6.1 metro) ang taas sa Miyerkoles at Huwebes, habang ang Dare at Hyde counties naman ay nag-utos na sa mga turista at mga residente na umalis na sa flood-prone barrier islands ng Hatteras at Ocracoke.
Nagbabala naman ang county officials sa sinumang pipiliin pa ring manatili sa kasagsagan ng bagyo, na huwag umasa ng tulong mula sa mga awtoridad dahil sa mga kalsadang hindi maraanan.