Sampu patay, 61 nasaktan nang bumangga ang isang Mexican train sa double-decker bus

Authorities work at the scene where a passenger bus was struck by a train while trying to beat it across the tracks, leaving people injured and dead, according to Civil Protection, in Atlacomulco, Mexico, September 8, 2025. REUTERS/Jorge Alvarad
Patay ang sampu katao at hindi bababa sa 61 ang nasaktan sa central Mexico, nang bumangga ang isang freight train sa isang double-decker passenger bus, na ayon sa train operator ay nagtangkang dumaan sa harap ng umaandar na tren.
Nagpa-abot naman ng pakikiramay ang Canadian Pacific Kansas City de Mexico sa mga pamilya ng mga biktima, at nanawagan sa mga tsuper na respetuhin ang mga road sign at stop orders sa mga railroad crossing.
Hindi naman agad na tumugon ang bus operator na Herradura de Plata, nang hingan ng komento.

Authorities work at the scene where a passenger bus was struck by a train while trying to beat it across the tracks, leaving people injured and dead, according to Civil Protection, in Atlacomulco, Mexico, September 8, 2025. REUTERS/Jorge Alvarado
Ayon sa mga lokal na awtoridad, nangyari ang banggaan sa isang industrial zone sa highway sa pagitan ng Atlacomulco, isang bayan na nasa 115 km (71 miles) hilagang-kanluran ng capital na Mexico City, at Maravatio, sa kalapit na Michoacan state.
Sinabi naman ng tanggapan ng attorney general ng estado ng mexico, na kabilang sa mga namatay ay pitong baabe at tatlong lalaki, habang ilan sa mga nasaktan ay malubha ang lagay at ang iba naman ay nakalabas na ng pagamutan.
Ang mga insidente ng banggaan na kinasasangkutan ng mga bus ay malimit mangyari sa Latin America.

Authorities work at the scene where a passenger bus was struck by a train while trying to beat it across the tracks, leaving people injured and dead, according to Civil Protection, in Atlacomulco, Mexico, September 8, 2025. REUTERS/Jorge Alvarado
Sa ulat ng Mexican government tungkol sa mga banggaan sa federal highways, kabuuang 12,099 crash incident ang naitala noong 2023, na nagresulta sa mahigit $100 million damages, 6,400 injuries, at halos 1,900 deaths.
Ang mga bus ang pangunahing ginagamit na transportasyon sa mexico, dahil bagama’t karaniwan ang freight trains, namamalaging limitado ang mga ruta para sa mga pampasaherong tren.
Kaugnay nito ay ikinukonsidera ni Mexican President Claudia Sheinbaum, na palawakin ang passenger rail network ng bansa upang makakonekta sa mas maraming bahagi ng northern at central Mexico.