Alegasyon ng mag-asawang Vurlee at Sarah Discaya mariing pinabulaanan ni AGAP partylist Nicanor Briones

Mariing pinabulaanan ni AGAP partylist Nicanor Briones ang alegasyon ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, na tumanggap siya ng porsiyento mula sa mga proyekto ng mga ito.
Una rito sa pagdinig sa Senado, kasama si Briones sa pinangalanan ng mag-asawang Discaya na tumanggap umano ng porsyento mula sa kanilang proyekto sa gobyerno.
Sinabi ni Briones, na nakikipag-ugnayan na sya sa kanyang mga abogado para sa kasong isasampa laban sa mga Discaya.
Hindi umano nya alam kung ano ang motibo sa pagdawit sa kanyang pangalan.
Hindi umano nya papayagan na sirain ang kanyang pangalan at pagkatao na matagal nyang iniingatan.
Madelyn Moratillo