24 patay sa Russian airstrike sa isang east Ukraine village

A damaged bicycle and debris lie on the ground following a Russian air strike that killed several civilians at a pension disbursal point, officials said on Tuesday, amid Russia’s attack on Ukraine, in the village of Yarova in Donetsk region, Ukraine September 9, 2025. REUTERS/Stringer
Patay ang 24 na mga matatanda sa isang village sa eastern Ukraine, habang kumukolekta ang mga ito ng pensiyon, dahil sa isang Russian airstrike.
Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy, na isang guided bomb ang tumama sa village ng Yarova, may labinglimang milya mula sa siyudad ng Sloviansk, na balwarte ng ukraine, at ilang kilometro lamang sa likod ng front line.

A resident stands at the site of a Russian air strike that killed several civilians at a pension disbursal point, officials said on Tuesday, amid Russia’s attack on Ukraine, in the village of Yarova in Donetsk region, Ukraine September 9, 2025. REUTERS/Stringer
Ayon sa State Emergency Service, bukod sa mga namatay ay labingsiyam na iba pa ang nasugatan.
Sinabi ni Zelensky, “The world must not remain silent. The world must not remain idle. A response is needed from the United States. A response is needed from Europe. A response is needed from the G20.”
Hindi naman agad na nagkomento ang Russia tungkol sa nasabing pag-atake.
Una nang itinanggi ng Moscow na tumatarget sila ng mga sibilyan, subalit libo-libo na ang namatay simula nang magsagawa sila ng isang full-scale invasion sa ukraine noong February 2022.

A resident stands at the site of a Russian air strike which killed several civilians at a pension disbursal point, officials said on Tuesday, amid Russia’s attack on Ukraine, in the village of Yarova in Donetsk region, Ukraine September 9, 2025. REUTERS/Stringer
Noong nakaraang linggo, isang Russian airstrike malapit sa northern Ukrainian city ng Chernihiv, ang ikinamatay ng dalawa katao mula sa isang Danish-sponsored humanitarian demining mission.
Sa kaniyang post sa X, isinulat ni European Council President Antonio Costa, “Is this what Russia means when it talks about peace? When will Russia stop killing people?”