P40.8M halaga ng suspected illegal drugs, nasabat sa NAIA

0

Photo courtesy: BOC

Aabot sa 40.8 milyong pisong halaga ng hinihinalang iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Customs Arrival Area ng NAIA Terminal 3.

Sa ulat ng BOC, ang hinihinalang shabu na may timbang na 6 na libong gramo ay nakuha sa luggage ng isang Swiss national na dumating sa bansa galing Abu Dhabi.

Photo courtesy: BOC

Nagduda umano ang mga taga BOC matapos may makitang kahina-hinalang bagay sa x-ray scanning.

Matapos isalang sa 100% physical examination nakita ang 4 na pakete ng hinihinalang shabu.

Photo courtesy: BOC

Agad namang inaresto ang nasabing pasahero dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, isang mensahe ito sa international drug syndicates na ang Pilipinas ay hindi magiging gateway ng iligal na droga.

Photo courtesy: BOC

Binigyang diin ni Nepomuceno ang mahigpit na pagbabantay sa mga pantalan at paliparan.

Madelyn Moratillo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *