Budget ng OVP lusot na sa House Committee on Appropriations

Bagama’t binigyan na ng parliamentary courtesy ng House Committee on Appropriations si Vice President Sara Duterte sa ginawang budget deliberations ng 2026 proposed budget ng Office of the Vice President o OVP na nagkakahalaga ng 902.8 billion pesos, tumagal pa rin ng mahigit isang oras ang hearing dahil nagpumilit ang dalawang kinatawan ng Makabayan block na pagpaliwanagin sng bise presidente.
Inungkat ng CT Teacher Partylist Rerpresentative Antonio Tinio, ang ukol sa 2024 Confidential at Intelligence funds ng OVP, subalit iginiit ni VP Sara na hindi niya ito sasagutin dahil ito ay subject ng Article of Impeachment na naka-archive sa Senado at nakabinbin ang desisyon ng Korte Suprema sa Motion for Reconsideration na inihain ng depensa ng pangalawang pangulo.
Tinanong naman ni Kabataan Partylist Representative Renee Co si VP Sara, tungkol sa gastos sa serye ng biyahe ng bise presidente sa abroad kung saan idinetalye ng pangalawang pangulo ang breakdown ng gastos sa security at OVP personnel na pinondohan ng gobyerno ng mahigit pitong milyong piso.
Iginiit ni VP Sara, na maliban sa security at personnel na pinondohan ng gobyerno ang biyahe, ang kaniyang tiket at accomodations ay galing sa kaniyang personal na bulsa at hindi kinuha sa pondo ng OVP.
Sa huli ay mismong si House Deputy Minority leader Caloocan Representative Edgar Erise na ang nag-motion na i-terminate na ang budget deliberations ng OVP sa pamamagitan ng tradisyung umiiral, na bigyan ng parliamentary courtesy ang OVP gaya ng Office of the President.
Vic Somintac