House Speaker Martin Romualdez nagpaalam na sa party leaders sa Kamara

Photo courtesy: Office of the Speaker
Kinumpirma ni House Deputy Speaker Antipolo Representative Ronaldo Puno, na ipinatawag ni House Speaker Martin Romualdez ang mga party leader ng Kamara sa kaniyang opisina para magpaalam.
Ayon kay Puno, naganap ang party leaders’ meeting matapos makausap ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Romualdez sa Malakanyang kaugnay ng change of leadership.

Photo courtesy: Office of the Speaker
Inihayag ni Puno na napagkasunduan na si Deputy Speaker Isabela Representative Faustino “Bodjie” Dy ang papalit na speaker, kaya hiniling ni Romualdez na suportahan si Dy matapos siyang mag-resign bilang speaker.
Inamin ni Puno na pinipigilan ng party leaders si Romualdez na mag-resign, subalit nagpasya ito na bumaba sa puwesto para harapin ng patas ang mga akusasyon ng katiwalian partikular sa isyu ng pondo sa mga flood control projects.

Photo courtesy: Office of the Speaker
Hinakot na rin ang ibang gamit ni Romualdez sa speaker office para bigyang-daan ang pag-upo ng bagong speaker.
Vic Somintac