Banta sa buhay hindi puwedeng gawing depensa ni dating Representative Zaldy Co para hindi umuwi ng bansa

0

Pinapaikot at niloloko lamang ni dating Representative Zaldy Co ang taongbayan sa patuloy na pagtatago sa ibang bansa, kaya hindi umuuwi ng Pilipinas gamit ang alibi na mayroong banta sa kaniyang buhay.

Sinabi ni Navotas Representative Toby Tiangco, isa sa mga kongresista na nagdidiin kay Co bilang dating chairman ng House Committee on Appropriations sa isyu ng budget insertions noong 2025 National Budget na ginamit sa maanomalyang flood control projects, na kailangang kumilos na ang gobyerno para mapabalik ng bansa ang dating mambabatas.

Ayon kay Tiangco, pananagutan ng estado na protektahan ang seguridad ni Co kung totoong mayroong banta sa kaniyang buhay, upang mapanagot sa kaso ng korapsyon sa pondo ng mga flood control project ng gobyerno.

Magugunitang mismong ang abogado ni dating Congressman Co na si Atty. Ruy Rondain ang nagsabi sa media, na kata takot umuwi sa Pilipinas ang kaniyang kliyente ay dahil nanganganib ang buhay nito, bukod sa wala pa namang naisasampang pormal na kaso ang Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.

Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *