Dalawang milyong family food packs inihahanda ng DSWD kaugnay nang napipintong pananalasa ng Bagyong Uwan sa hilagang Luzon

0

Courtesy: DSWD FB

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na sapat pa rin ang Family Food Packs (FFPs)na magagamit ng gobyerno sa napipintong pananalasa ng Bagyong Uwan matapos manalasa ng Bagyong Tino.

Sinabi ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, na mayroon pang dalawang milyong FPPs ang ahensiya na magagamit kung tatama ang Bagyong Uwan.

Courtesy: DSWD FB

Ayon kay Dumlao, kabilang sa priority areas ng DSWD Disaster Readiness ay ang lalawigan ng Aurora, Ilocos Region, Cagayan Valley Region at Central Luzon, na posibleng direktang tamaan ng Bagyong Uwan batay sa pinakahuling forecast ng PAGASA.

Inihayag ni Dumlao na sapat ang resources ng DSWD laluna ang pondong gagamitin sa disaster response, dahil nagrequest na ang ahensiya sa Department of Budget and Management (DBM) para maragdagan ang Quick Response Funds upang tuloy-tuloy ang ongoing disaster response ng gobyerno sa mga apektado ng kalamidad.

Courtesy: DSWD FB

Vic Somintac

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *